RSS | Archive | Random

About

Ako'y isa lamang praning,
malakas ang topak,
makulit, antukin,
mahilig maglaro pero madaling mabato,
geek na mahilig pumorma,
weirdo n kakaiba,
loves challenges pero tamad.
multo, alien o kahit ako, yan ako.
Si Mark Ambrocio
WEIRDONG TOTOO!

Following

12 October 09

WOW! ang bilis nung raket!!!

“Nasan na ko…..?” tumingin sa paligid..

“Bakit may SM at Rob na magkatabi……”

“teka…….”

“syet! bakit nasa Pala-Pala na ko!!!! potek lumagpas ako!!!! MANONG PAARAAAAA!!!”

Masakit ang ulo ko dahil sa wala pa akong tulog dahil buong magdamag kaming naginom at kumanta (birthday kasi ng kaibigan namin). Pilit kong dinidilat ang mata kong pagod na pagod at nasisilaw sa araw. Medyo sabog ako at nahihirapan na sa bigat ng nararamdaman ko, stress, problema, at kapraningan. Nakadating din ako ng bahay, pero bagsak na bagsak ang katawan ko at mata ko dahil sa sobrang pagod, pinilit kong magayus ng bahay saglit bago matulog, buti na lang dumating si Unoy, para maglinis ng bahay, kasi kung hindi, ang muka ko mismo ang maingungudngod ko sa sahig. Pumasok ako ng kwarto, humiga at pinikit ang mata, pero bago ang lahat, nagdial ako ng number sa selpon ko, nagring at nagkaroon ng konting paguusap ako at ang tinawagan ko, bangag ako kaya medyo d nya maintindihan ang mga sinabi ko, naputol ang usapan namin ng sabihin nyang gutom na sya at kailangan ko ng magpahinga.

Medyo sabog ako pagkagising ko at nandun pa din ang sakit ng nararamdaman ko mula nung natulog ako, nanalangin ako sa Diyos para tulungan nya ko, pero hindi sya agad sumagot, siguro nagiisip sya ng paraan para maintindihan ko ang lahat. Lumabas ako at tumambay sa bubong namin, mga bandang alas singko na nun kaya malamig na. Tumingin ako sa langit, parang hihigupin ako nito at nakakarelax, nang maalala ko ang matulin na raket na madalas kong makita tuwing hapon nung bata pa ako. Yung raket na akala mo magddrawing sa himpapawid pero ang gagawin nya lang e dirediretso sya, lumilikha ng isang malinaw na linya ng ulap sa langit. Bigla kong natanung kung para saan nga ba talaga ung raket na un. Medyo kakaiba pero naisip ko, patuloy lang syang pinapalipad hanggang sa maubos ang kargado nitong gasolina, at hanggang sa dulo ng kalawakan. Simple lang pero mahirap gawin d ba?

Bigla kong naisip na parang ganun lang ang buhay minsan, kahit hindi mo alam, kailangan mo pa ding magpatuloy, piliting lumipad hanggang sa kaya mo. Minsan lang kasi tayu dito sa mundo, d mo din alam kung hanggang saan lang ba ang baon mong gasolina para lumipad, d mo din alam ang kapalaran mo, pwedeng makadating ka hanggang labas ng mundo, or magpasikot sikot sa langit para makagawa ng isang bagay mamangha ang lahat ng makakita. Pero kahit anu man, may isang tao o mga tao pa din na mapapatigil pa din sa paglipad mo at sa pagbigay mo ng buong kaya mo. Gagawa pa din ito ng guhit sa langit na tatatak sa utak ng bawat taong makakita nito.

Napangiti ako at nagpasalamat sa Diyos, pinakita nya pa din sa kin ang isang parte ng mundo na may matututunan ako, unti unting nawala ang nararamdaman kong sakit at bigat, unti unti din akong bumangon sa pagkakalugmok ko sa pwesto ko, tumayo at sinabing lilipad ako, hanggang sa makakaya ko, matalo man o manalo, basta tuloy pa din dapat, bawal sumuko tuloy ang laban ng buhay, dahil ako’y nananatiling buhay!

24 September 09

UY! Toblerone!!!

Naimbita ako para sa isang convention ng mga bloggers nung Martes ng gabi, sponsored daw ng Toblerone, wow! Matagal na din akong hindi nakakapagsulat ng blog, medyo magiisang taon na din. Ewan ko ba, minsan may maiisip akong topic, tapos mamaya konti, mawawala na din ung interes kong isulat yun. Kaya naisipan kong sumama, para magenjoy at magbakasakaling makakita ng topic ko para maisulat.

Nagkita kita na kami sa venue na malapit lang pala, nagkanda ligaw ligaw pa muna ako bago ko makita ung sinasabi ng kaibigan kong RJ Bar. Pagpasok namin, medyo nanibago ako, hindi ko alam kung anu ang gagawin ko sa loob ng convention na yun, nakakakaba pero eksayting. Umakyat kami at naghanap ng pwesto dahil magsisimula na daw ang palabas, sabi ng isang kaibigan. Nakahanap kami ng pwesto sa sulok, malayo sa main stage, para iwas instant interview. Nakinig ako sa mga sagot ng ibang kabataan at mga tao na ininterview nila at pinalabas dun sa dambuhalang tv sa stage. Maraming nagpasalamat sa mga sikat na tao, sa kanilang mga magulang, mga kaibigan at kay Manny Paqcuiao. Ang tema ng convention ay tungkol sa pasasalamat. Nung nagsimula ang palabas, biglang pumasok sa isip ko ang tanong na kung sino ang ating dapat pasalamatan, sa lahat ng mga nangyayari?

Maraming nangyayari sa atin, at sa mundo, maraming pwedeng sisihin, maraming pwedeng pasalamatan at maraming pwedeng baliwalain na lang. Araw araw, nagiisip tayo, nagdedesisyon, at gumagalaw para mabuhay, parang commercial lang ng isang vitamins sa tv. Mabilis ang paglipas ng oras, pero sa paglipas nito, naisipan mo na bang tumigil at magsabi ng salamat sa isang taong nakatulong sayu ng todo todo? Sabi nga ng iba, madaling magsinungaling kesa magsabi ng pasasalamat, madaling kalimutan na lang ang lahat kesa magpasalamat. Masarap sa pakiramdam ang magpasalamat at makuntento pero hindi ko alam kung bakit hirap nitong gawin minsan. Ika nga ng sabi ng tatay ko: “wag mo ng isipin kung sino at kung ano ang nangyari, kung sasabihin mo, sabihin mo na, mahirap pigilan yan, sa iba nalabas yan”, tama nga sya, kaya…


MARAMING SALAMAT SA INYUNG LAHAT!!!!!

ps: Kung si John Lloyd may Biogesic for Ingat, kami, may Toblerone for Thank you!


Visit this site (National Thank You Day Philippines) http://thankyoudayphilippines.com

22 September 09

Ang Laruan 11/07/2008 (a repost)

Naalala ko nung bata ako, palagi akong may dalang isang malaking trak na kulay dilaw na parang kasama sa constructicons ng transformers. Nilagyan ko yun ng tali para lagi siyang naandar pagkasama ko. O d ba, para akong timang nung bata e, may sarili akong mundo, at filing ko that time e isa akong pinakamalupit na drayber. Nakakatawa, kahit laging nalalaglag at nakakaladkad ko yung laruan na yun, inaalagaan ko yun ng husto, ayaw kong may humawak at makilaro dun na iba. Hindi ko alam kung bakit pero para sa kin nung mga panahon na yun, mawala na mga kalaro ko wag lang ung trak kong un. Kanina may nasalubong akong bata na may hila hilang isang hindi ko maintindihan na sasakyan, mukang sa ibang planeta ata mabubuo yung ganung klaseng arkitekto n laruan. Puro bilog na iba iba ang kulay, tapos may isang mahabang sinulid n nakadikit sa unahan, 3 ang gulong, pero para sa kin, lahat e pwedeng gumulong at maging gulong! Pinagmasdan ko ang bata na yun, hindi ko alam pero bigla kong naalala ang trak ko nuun, at parang naintindihan ko na kung bakit ako tuwang tuwa paghinihila ko at dinadala kung san san ang laruan ko dati. Lalu na nung nakita kong kinausap ng bata yung laruan nya, OO! KINAUSAP NYA!!!! Natawa ako pero pumasok sa isip ko, dito sa mundo, kailangan natin ng kasama, mapatao man yan o kahit anu, bahala ka kung anu gusto mo, ang mahalaga magkasama kayo sa paglalakad hanggang maisip mo, malayo na pala ang nalakad nyo. Tulad ko noon, wala kasi akong kalaro at walang may gustong makipaglaro sa kin dahil hindi ako maintindihan ng mga bata. Mas ok pa nga minsan ang laruan na kasama kesa sa tao e, ang tao madaming arte, may mga tao na aalma kapag hindi ka kumibo at sasabihing “boring” ka na, pero ang laruan, hilahin/dalhin mo lang, kahit ganun lagi ang ginagawa nya, masaya naman di ba? Nilapitan ko ang bata at may binulong ako, napangiti siya at ako’y tuluyang umalis. Habang ako’y naglalakad, naisip kong hinihila ko ulit ang aking nalimutang kaibigan, napangiti ngunit nagiisip ng malalim….

Sa mundong ito, mahirap maging magisa, kakainin ka ng lungkot at mapupuno ng galit ang puso mo. Kaya binigyan tayo ng Diyos ng makakasama, hindi kailangang magkasundo kayo sa lahat ng bagay, hindi rin kailangan na laging naguusap. Ang katahimikan, paghawak sa iyong kamay at paglalakad ay sapat na para mapawi ang lahat ng kalungkutan, pagod at pagkainis na dinudulot ng mga nangyayari sa buhay natin.

“Minsan mas ok pagbored kayo sa isa’t isa..”, yan ang sabi sa kin ng kakilala ko sa kin, bakit daw? Kasi ang mahalaga, by the end of the day, you still hold each others hands and walk together.



“Follow me
Baby, I won’t let you leave if you believe in me
And I’ll always set you free from all those yesteryear’s
But you don’t know how much
I got believe in you” —— Beat Crusaders

<i>this is a repost of my blog last year</i>

3 September 09

Liwanag sa Dilim…. (pangalawang yugto)

“O ano na?”

“Nasira ko na ang unang barrier, may susunod pa, kailangan ko pa ng oras, kailangan kong makapasok sa main barrier para mainstall ang virus na ginawa ko!”

“Basta tol ayusin mo yan at kami ang bahala dito ok?”

“Dadaldal na lang ba kayo dyan? pota sugod na!!!”


Nagising si Mike sa isang matinding panaginip, tumayo sya at dumeretso sa banyo para magayos ng sarili, masakit ang ulo at hindi nawawala sa isipan ang mga nangyari, pakiramdam nya ay totoo ang lahat ng kanyang nakita sa panaginip. Magkalipas ng ilang minuto saka lang nya napansin ang oras, pasado alas-diyes na! at late na sya sa usapan nila. Nagmadali syang magbihis at kinuha ang bananaque sa lamesa bilang almusal nya. Tinignan ang kanyang cellphone at nakita ang sandamakmak na messages mula sa kaibigan.

“OI! Nasan ka na? Hulaan q? tulog ka pa no? nandito na silang lahat! May regalo sa kin si erpats, at magugustuhan nyo tong lahat!!!! at kung nasan ka man, pota bilisan mo! labingliyors ang mga mapagmahal mong kaibigan” - yan ang isa sa mga natanggap na messages ni Mike na nagregister lang sa utak nya, habang nginunguya ng maigi ang puro asukal na bananaque.

After an hour, dumating na si Mike sa Neo-Makati, hapong hapo at basang basa ng pawis. Nakita nya ang mga kabarkada na nagtatanghalian sa Burger King sa may Glorieta. Kumpleto halos ang lahat, nandyan si Irish, ang geek pero seksing babaeng malakas kumain, si JM na chickboy na malupet na hacker ng tropa, si Gabby na joker pero magaling sa electronics, nagmana ata sa tatay nya, si Amie at Ren, the secret lovers na kunyari hindi halata ang kanilang kaswitan pero minsan nalilimutan na kaharap nila kami, at si Randy ang tahimik pero malupet bumanat sa amin.

“Oh eto na pala ang hari ng mga late!” bumanat si Gabby…

“Sorry naman! napasarap tulog ko e! so inorder nyo na ba ako?”

“Mike, umayos ka at wag kang magtatangkang bawasan ang pagkain ko!….. nga pala…. sabi ng mga mokong na ‘to eto daw ang access card mo para sa DO…” sunod na banat ni Irish na parang naiirita dahil sa masamang tingin ni Mike sa kanyang pagkain.

“Access Card???? teka panu nga pala tayu magsisimulang maglaro?? eksayted na ko!” atat na atat na sinabi ni Mike na kumukuha ng Onion Rings ng palihim…

“So ayun nga, dahil kakasimula pa lang ng DO, medyo limitado pa lang ang makakalaro dahil sa konti lang ang nakakuha ng Access Cards at ng DO Capsules. At yang hawak hawak nyo ngayon ang passess natin sa pinakamalupet na laro! Niregaluhan din ako ni erpats ng DO Capsule para makapaglaro, at kaya ko kayu dito naisip na magkita para automatic na nating mairegister ang access card online. Sasagutan nyo ang mga nakalinyang tanong at……” paliwanag ni Gabby, pero naputol ito ng napansin nya na ang bawat isa ay sinasagutan na ang mga tanong sa nasabing online registration..

OY TEKA! amp!!!”

Pagkatapos, dumeretso na sila sa bahay ni Gabby para makapaglaro. Isa isa nilang inusisa ang bagong Capsule na binili ng tatay nya. Nagjakenpoy ang mga magkakabarkada para malaman kung sino ang unang papasok at makakaranas ng DO, at dahil sa hindi magaling si Mike sa ganito, sya ang nahuli sa pila. May 10-15 seconds interval para matapos ang teleportation ng isang tao papunta sa host na planeta ng DO.

Kabado pero sabik na sabik ng makapasok sa sinasabing “mundo ng panaginip”. At ng panahon na para sya na ang mateleport sa mundong ito. Iniswipe nya ang access card, nadinig ang signal para pumasok at unti unti syang hinigop ng makabagong makina at sa loob ng ilang segundo, sya ay pinalibutan ng liwanag, nang biglang may nagsalita, isang babae…


“Welcome to Dreams Online…”

Idinilat nya ang mata at……

27 August 09

Panaginip - Ang Pagpikit (panimula)

Nagsimula ang mga taong mangarap nung sila’y mapunta sa isang lugar na mararating lamang sa pamamagitan ng pagpikit ng mata at pagpapalaya sa isipan sa kalawakang puno ng katotohanan, tinatawag natin itong, “Panaginip”. Lumikha ang tao ng isang paraan para mapalapit sa mundong ito, ito ay ang mga “console games”, na ngayon ay unti unting nagbabago, nagsimula sa simple, na naging komplikado na unti unti namang nakakamit ang pagpasok sa lugar kung saan makita ng tao ang katotohanan sa likod ng bawat imahinasyon ng lahat ng nilalang na nakakapunta dito…..

Sumikat ang isang laro sa buong mundo na tinatawag na “Dreams Online”, dito mo magagawa lahat ng gusto mo na parang nananaginip ka lang. Lahat pwedeng maglaro nito, kahit uugod ugod na matanda magiging kasing lakas ni superman! Magsisimula ang laro sa pagpasok mo sa isang tube na automatic na iiinstall sa bahay nyo pagnakapagregister ka. Ang tube na yun ang magiging koneksyon mo mula sa bahay mo sa mundo papunta sa isang planeta ng isang generator na tinatawag na “Mind Reactor” na gumagawa ng isang malaking field para magawa mo ang mga gusto mong gawin sa loob ng planeta.

Maynila taong 2103, isang lugar na hindi masyadong natatampok sa kahit anong palabas dahil mas sikat ang Japan at Amerika. Si Mike, isang ordinaryong estudyante ng isa sa mga kilalang unibersidad, tuwing weekend lang sya naglalaro, dahil sa medyo busy din ang buhay estudyante. Buong buhay nya, naghahanap sya ng adventure, gusto nyang maranasan ang lahat ng saya kapag naglalakbay ka sa isang lugar na hindi mo alam.

Summer sa Pilipinas, mainit, at as usual mausok nanaman sa buong lugar ng NeoManila. Sa isang liblib na lugar sa NeoPasig, nagising si Mike sa isang palabas sa TV:

“Ang Dreams Online ay bubuksan na sa darating na linggong ito! Ilulunsad ang bagong lugar na tinatawag na “Ines Kannoyan”. Kasama dito ang malawakang paghahanap sa Puso ni Lam-Ang”

“This commercial is brought to you by Lucky Me Galactic Noodles! Ang Noodles na peyborit ng lahat pati mga Marsyan! now available in Chocolate Flavor!”

Dali daling tinawagan nito ang matalik na kaibigan na si Gabby at gumawa ng instant video conferencing para ibalita ang narinig sa TV.

Mike: “Yo Guys may bagong laro!!!! try natin bukas!”

Gabby: “OO! bahahahaha! so ano kita kits na lang sa NewMakati sa Bukas?”

Mike: “SIGE! nasabihan mo na ba yung iba? eksayted na ko dito!”

Gabby: “Akong bahala bukas, nga pala, have you heard of the rumors? Dun sa bagong diskubreng planeta kung san daw nakainstall yung DO, madami daw talagang nakakahindik na pangitain, what I’m trying to say, marami pa tayong madidiskubreng lihim dun.”

Mike: “EKSAYTING! sana walang weirdong matanda nanaman na sasabay sa tin..”

At kapwa natulog na ang dalawang matalik na magkaibigan, Nasa isip ang isang matinding adventure na darating sa kanila, unti unti nilang pinahinga ang mga sarili at pinikit ang mata para sa kanilang paggising, haharap na sa kanila ang araw na hindi nagbabago, at sasabak sila sa bagong mundo kung saan, lahat ng pangarap ng isang ordinaryong tao ay naabot lang sa loob ng ilang segundo!


itutuloy…

18 August 09

Sasakupin ko ang buong MUNDO!!!!

Bakit kaya walang nagtangkang magsulat ng istorya tungkol sa isang kontrabida, yung tipong sya naman yung focus ng buong istorya, at hindi pang isang episode lang? Na tipong binubugbog sya ng bida, tapos magiging sikat ang nakahuli sa kanila at sila e maiiwanan sa kulungan….

Nung mga nakaraang araw, kapag may free time ako, nagfofocus akong gumawa ng character para sa “future” komiks ko (which is malabong mangyari dahil wala pa akong karanasan sa paggawa ng komiks) na ako lang ang gagawa ng istorya, ako lang ang magdodrawing, ako lang din ang magkukulay (kung kaya ko din) at ako lang din ang magbabasa.

Pero lately, dahil sa pagkakaroon ng meteor shower nung nakaraang linggo, biglang nagbago ang takbo ng buhay ko. Mali ang iniisip nyo…… hindi ako binagsakan ng isang meteorite at nagkaroon ako ng espesyal na kapangyarihan dahilan para masakop ko ang buong mundo, napansin ko na ang tingin pala sa kin ng ibang tao ay isang kasuklamsuklam na nilalang. Dahil siguro sa pagiging sarcastic at prangka ko lately na ikinataka at kinagalit nila. Para tuloy akong kontrabida sa isang pelikula, lalu na nung panahong gusto kong tumulong pero iba inisip ng dapat na tutulungan ko, tapos bubusitin ka pa ng boss mo at tatambakan ka ng trabaho, sasabayan pa ng taong mahal mo na magagalit sayu, ayus…. naramdaman ko na ang naramdaman ni Paquito Diaz sa isa sa mga pelikula ni Da Boy!

Naisip ko, sayang, may mga tao talagang bobo sa math, parang:

10 tulongs + 1 Mistake = -10 -> AYUS! dinaig si Einstein!

Ang hirap tuloy gumawa ng mabuti, kaya minsan, panindigan na lang to….. at sasakupin ko ang mundo!

Comments