Liwanag sa Dilim…. (pangalawang yugto)
“O ano na?”
“Nasira ko na ang unang barrier, may susunod pa, kailangan ko pa ng oras, kailangan kong makapasok sa main barrier para mainstall ang virus na ginawa ko!”
“Basta tol ayusin mo yan at kami ang bahala dito ok?”
“Dadaldal na lang ba kayo dyan? pota sugod na!!!”
Nagising si Mike sa isang matinding panaginip, tumayo sya at dumeretso sa banyo para magayos ng sarili, masakit ang ulo at hindi nawawala sa isipan ang mga nangyari, pakiramdam nya ay totoo ang lahat ng kanyang nakita sa panaginip. Magkalipas ng ilang minuto saka lang nya napansin ang oras, pasado alas-diyes na! at late na sya sa usapan nila. Nagmadali syang magbihis at kinuha ang bananaque sa lamesa bilang almusal nya. Tinignan ang kanyang cellphone at nakita ang sandamakmak na messages mula sa kaibigan.
“OI! Nasan ka na? Hulaan q? tulog ka pa no? nandito na silang lahat! May regalo sa kin si erpats, at magugustuhan nyo tong lahat!!!! at kung nasan ka man, pota bilisan mo! labingliyors ang mga mapagmahal mong kaibigan” - yan ang isa sa mga natanggap na messages ni Mike na nagregister lang sa utak nya, habang nginunguya ng maigi ang puro asukal na bananaque.
After an hour, dumating na si Mike sa Neo-Makati, hapong hapo at basang basa ng pawis. Nakita nya ang mga kabarkada na nagtatanghalian sa Burger King sa may Glorieta. Kumpleto halos ang lahat, nandyan si Irish, ang geek pero seksing babaeng malakas kumain, si JM na chickboy na malupet na hacker ng tropa, si Gabby na joker pero magaling sa electronics, nagmana ata sa tatay nya, si Amie at Ren, the secret lovers na kunyari hindi halata ang kanilang kaswitan pero minsan nalilimutan na kaharap nila kami, at si Randy ang tahimik pero malupet bumanat sa amin.
“Oh eto na pala ang hari ng mga late!” bumanat si Gabby…
“Sorry naman! napasarap tulog ko e! so inorder nyo na ba ako?”
“Mike, umayos ka at wag kang magtatangkang bawasan ang pagkain ko!….. nga pala…. sabi ng mga mokong na ‘to eto daw ang access card mo para sa DO…” sunod na banat ni Irish na parang naiirita dahil sa masamang tingin ni Mike sa kanyang pagkain.
“Access Card???? teka panu nga pala tayu magsisimulang maglaro?? eksayted na ko!” atat na atat na sinabi ni Mike na kumukuha ng Onion Rings ng palihim…
“So ayun nga, dahil kakasimula pa lang ng DO, medyo limitado pa lang ang makakalaro dahil sa konti lang ang nakakuha ng Access Cards at ng DO Capsules. At yang hawak hawak nyo ngayon ang passess natin sa pinakamalupet na laro! Niregaluhan din ako ni erpats ng DO Capsule para makapaglaro, at kaya ko kayu dito naisip na magkita para automatic na nating mairegister ang access card online. Sasagutan nyo ang mga nakalinyang tanong at……” paliwanag ni Gabby, pero naputol ito ng napansin nya na ang bawat isa ay sinasagutan na ang mga tanong sa nasabing online registration..
OY TEKA! amp!!!”
Pagkatapos, dumeretso na sila sa bahay ni Gabby para makapaglaro. Isa isa nilang inusisa ang bagong Capsule na binili ng tatay nya. Nagjakenpoy ang mga magkakabarkada para malaman kung sino ang unang papasok at makakaranas ng DO, at dahil sa hindi magaling si Mike sa ganito, sya ang nahuli sa pila. May 10-15 seconds interval para matapos ang teleportation ng isang tao papunta sa host na planeta ng DO.
Kabado pero sabik na sabik ng makapasok sa sinasabing “mundo ng panaginip”. At ng panahon na para sya na ang mateleport sa mundong ito. Iniswipe nya ang access card, nadinig ang signal para pumasok at unti unti syang hinigop ng makabagong makina at sa loob ng ilang segundo, sya ay pinalibutan ng liwanag, nang biglang may nagsalita, isang babae…
“Welcome to Dreams Online…”
Idinilat nya ang mata at……