WOW! ang bilis nung raket!!!
“Nasan na ko…..?” tumingin sa paligid..
“Bakit may SM at Rob na magkatabi……”
“teka…….”
“syet! bakit nasa Pala-Pala na ko!!!! potek lumagpas ako!!!! MANONG PAARAAAAA!!!”
Masakit ang ulo ko dahil sa wala pa akong tulog dahil buong magdamag kaming naginom at kumanta (birthday kasi ng kaibigan namin). Pilit kong dinidilat ang mata kong pagod na pagod at nasisilaw sa araw. Medyo sabog ako at nahihirapan na sa bigat ng nararamdaman ko, stress, problema, at kapraningan. Nakadating din ako ng bahay, pero bagsak na bagsak ang katawan ko at mata ko dahil sa sobrang pagod, pinilit kong magayus ng bahay saglit bago matulog, buti na lang dumating si Unoy, para maglinis ng bahay, kasi kung hindi, ang muka ko mismo ang maingungudngod ko sa sahig. Pumasok ako ng kwarto, humiga at pinikit ang mata, pero bago ang lahat, nagdial ako ng number sa selpon ko, nagring at nagkaroon ng konting paguusap ako at ang tinawagan ko, bangag ako kaya medyo d nya maintindihan ang mga sinabi ko, naputol ang usapan namin ng sabihin nyang gutom na sya at kailangan ko ng magpahinga.
Medyo sabog ako pagkagising ko at nandun pa din ang sakit ng nararamdaman ko mula nung natulog ako, nanalangin ako sa Diyos para tulungan nya ko, pero hindi sya agad sumagot, siguro nagiisip sya ng paraan para maintindihan ko ang lahat. Lumabas ako at tumambay sa bubong namin, mga bandang alas singko na nun kaya malamig na. Tumingin ako sa langit, parang hihigupin ako nito at nakakarelax, nang maalala ko ang matulin na raket na madalas kong makita tuwing hapon nung bata pa ako. Yung raket na akala mo magddrawing sa himpapawid pero ang gagawin nya lang e dirediretso sya, lumilikha ng isang malinaw na linya ng ulap sa langit. Bigla kong natanung kung para saan nga ba talaga ung raket na un. Medyo kakaiba pero naisip ko, patuloy lang syang pinapalipad hanggang sa maubos ang kargado nitong gasolina, at hanggang sa dulo ng kalawakan. Simple lang pero mahirap gawin d ba?
Bigla kong naisip na parang ganun lang ang buhay minsan, kahit hindi mo alam, kailangan mo pa ding magpatuloy, piliting lumipad hanggang sa kaya mo. Minsan lang kasi tayu dito sa mundo, d mo din alam kung hanggang saan lang ba ang baon mong gasolina para lumipad, d mo din alam ang kapalaran mo, pwedeng makadating ka hanggang labas ng mundo, or magpasikot sikot sa langit para makagawa ng isang bagay mamangha ang lahat ng makakita. Pero kahit anu man, may isang tao o mga tao pa din na mapapatigil pa din sa paglipad mo at sa pagbigay mo ng buong kaya mo. Gagawa pa din ito ng guhit sa langit na tatatak sa utak ng bawat taong makakita nito.
Napangiti ako at nagpasalamat sa Diyos, pinakita nya pa din sa kin ang isang parte ng mundo na may matututunan ako, unti unting nawala ang nararamdaman kong sakit at bigat, unti unti din akong bumangon sa pagkakalugmok ko sa pwesto ko, tumayo at sinabing lilipad ako, hanggang sa makakaya ko, matalo man o manalo, basta tuloy pa din dapat, bawal sumuko tuloy ang laban ng buhay, dahil ako’y nananatiling buhay!